AFP, siniguro ang buong suporta sa PNP sa pagbibigay seguridad sa ginaganap na ASEAN summit sa bansa

Manila, Philippines – Tiniyak ng pamunuan ng Armed forces of the Philippines (AFP) ang buong suporta sa Philippine National Police (PNP) sa pagbibigay seguridad sa ginaganap na ASEAN Summit hanggang ika-15 ng Nobyembre.

Ayon kay AFP Public Affairs office Chief Col. Edgard Arevalo, all systems go na ang AFP kung saan lahat aniya ng kanilang units na naatasang tumulong sa PNP ay nakadeploy na.

Hinati-hati aniya sa units ang kanilang hanay at binigyan ng kanya-kanyang trabaho para sumuporta sa PNP ngayong ginaganap ang ASEAN summit sa bansa.


Habang may standby units din ang AFP na idedeploy anumang oras kung kinakailangan.

Umaasa naman ang pamunuan ng AFP na magiging matagumpay at mapayapa ang ginaganap na pandaigdigang aktibidad.

Sa ngayon, hangad aniya nila ng patuloy na kooperasyon, sa kanilang mga counterparts upang makamit ang matagumpay at payapang ASEAN summit sa bansa.

Facebook Comments