Protektahan ang mga Pilipino at Estado.
Ito ang pagtuuunan ng pansin ng Armed Forces of the Philppines (AFP) sa halip na mga haka-hakang may nilulutong coup d’etat ang mga sundalong dismayado sa pagbasura ng pamahalaan sa Visiting Forces Agreement (VFA).
Ayon kay AFP Spokesman Brigadier General Edgard Arevalo, propersyonal na organisasyon ang AFP at sinusuportahan nila ang umiiral na konstitusyon.
Dagdag pa nito, natuto na ang kanilang hanay sa mga nakalipas na tangkang coup d’etat dahil naging negatibo ang epekto nito sa bansa.
Normal aniya ang pagpapahayag ng mga sundalong pro-US tungkol sa VFA, pero wala naman aniyang anumang aktibidad na namo-monitor ang AFP sa ngayon.
Giit pa ni Arevalo, hindi makikialam ang AFP sa pulitika dahil ito ay trabaho na ng mga pulitiko.