AFP, sinimulan na ang pagpapagdala ng tao sa Pag-Asa Island para sa pagtatayo ng mga pasilidad

Manila, Philippines – Nagpadala na ang AFP ng mga taong mangangasiwa para sa mga itatayong imprastraktura at pasilidad sa Pag-Asa Island.

Ayon kay AFP Western Command Commander, Lt. Gen. Raul Del Rosari,o sinimulan nila nitong isang linggo ang pagpapadala ng unang batch ng mga tao o manggagawa.

Maliban sa pagpapadala ng mga tao ilang mga gagamitin sa konstruksyon tulad ng mga bag ng semento, mga kahoy at iba pa, ay isinakay na rin sa barko patungo sa Pag-Asa Island.


Sinabi pa ni Del Rosario, na wala pang eksaktong petsa kung kelan sisimulan ang konstruksyon kailangan munang makumpleto ang pagtransport sa Pag-Asa Island ng mga trabahador, construction materials at equipment.

Matatandaang una nang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na kabilang sa mga development project na ipatutupad sa Pag-Asa Island ay ang pagpapahaba sa runway, paglalagay ng pantalan, ice plant, pagtatayo ng communication tower, pagsasaayos sa mga baybaying dagat at iba pa.

DZXL558

Facebook Comments