MMDA, nag-abiso ng road reblocking at repairs para sa mga kalsadang sakop ng Pasig at Quezon City

Manila, Philippines – Nag-abiso ng road reblocking at repairs ang Metropolitan Manila Development Authority sa mga kalsadang sakop ng Pasig at Quezon City.

Simula alas onse nang gabi Bukas, May 12, magkakaroon ng pagsasaayos ng kalsada ang DPWH sa bahagi ng EDSA bago mag-Dario Bridge, Quezon City at sa southbound lane ng c-5 road bago mag-Lanuza Avenue sa Pasig City.

Sa northbound lane naman, hindi muna madadaanan ang 2nd lane ng Mindanao Avenue sa pagitan ng Old Sauyo Road at Mindanao tunnel; 5th lane ng Commonwealth Avenue sa pagitan ng Litex Road hanggang Doña Carmen; 2nd lane ng Quirino Highway sa Bernardino Street hanggang T. Urbano at; 3rd lane ng Congressional Avenue Extension sa Tandang Sora Avenue hanggang Luzon Avenue.


Kaugnay nito, pinapayuhan ang mga motorista na dumaan muna sa mga alternatibong ruta.

Madadaan lang ulit ng sasakyan ang mga nabanggit na kalsada pasado alas 5:00 nang umaga sa Lunes, May 15.

DZXL558

Facebook Comments