Nagpahayag ng suporta ang Armed Forces of the Philippines (AFP) kay incoming Department of National Defense (DND) Officer-in-Charge at dating AFP Chief Jose Faustino Jr.
Ito ay matapos ang pagkakatalaga ni President-elect Ferdinand Bongbong Marcos kay Faustino bilang kapalit ni outgoing Defense Secretary Delfin Lorenzana, sa ilalim ng kanyang adminstrasyon.
Si Gen. Faustino ay manunungkulan bilang Senior Undersecretary ng DND at magsisilbing OIC ng kagawaran hanggang sa kanyang pag-upo bilang kalihim sa November 13.
Ito ay pagkalipas ng isang taon na ban sa pag-appoint ng mga retired military officers.
Sa isang statement, sinabi ni AFP Spokesperson Col. Ramon Zagala na ang 38 taong pagseserbisyo sa militar ni Faustino, at ang kanyang pagiging AFP Chief, ay nagbibigay sa kanya ng “firsthand knowledge” sa sitwasyong panseguridad at pandepensa ng bansa.
Siniguro ni Zagala ang buong suporta ng militar sa mga magiging plano at programa ni Faustino sa pagtugon sa mga kasalukuyan at hinaharap na hamon ng bansa.