Nakahanda ang buong Sandatahang Lakas ng Pilipinas na sundin ang mandato ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na protektahan ang soberenya ng bansa.
Matatandaang sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Marcos sinabi nitong hindi sya makapapayag na ipamahagi ni katiting na teritoryo ng bansa sa alinmang dayuhang bansa.
Ayon kay newly-appointed Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief-of-Staff Lt. Gen. Bartolome Vicente Bacarro, lahat ay kanilang gagawin maprotektahan lang ang estado.
Ani Bacarro, maraming pamamaraan o instruments of national power ang maaaring gamitin ng pangulo para itaguyod ang kapakanan at soberenya ng bansa at kanila namang susuportahan.
Aniya, kailangang maging na gawin at pagplanuhan ang mga estratehiyang ito.
Maliban sa pagpoprotekta sa soberenya ng bansa, prayoridad din ng bagong AFP chief ang pagpapaigting ng kampanya kontra Communist Party of the Philippines–New People’s Army (CPP-NPA) na bahagi ng kaniyang marching orders sa isinagawang command conference kamakalawa.