Hotel quarantine sa mga biyaherong papasok sa Hong Kong, tatlong araw na lamang mula bukas

48

Epektibo bukas, August 12, tatlong araw na lamang ang hotel quarantine ng mga pasaherong papasok sa Hong Kong.

Ikinatuwa naman ito ng Filipino community gayundin ng Hong Kong employers ng Overseas Filipino Workers (OFWs) doon.

Mas marami na kasing OFWs na matagal nang stranded sa Pilipinas ang makakabalik na sa kanilang mga trabaho.


Pinapayuhan naman ang mga biyahero na mag-obserba pa rin sa kanilang sarili pagkatapos ng tatlong araw na quarantine.

Facebook Comments