AFP, susuporta sa PNP sakaling magpatupad ng lockdown sa Metro Manila dahil sa COVID-19

Nakahandang tumulong ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Philippine National Police (PNP) sakaling magpatupad ng lockdown ang gobyerno dahil na rin sa banta ng pagkalat ng Coronavirus Disease o COVID-19.

Ayon kay AFP Chief of Staff General Felimon Santos Jr., mayroon silang pwersa dito sa NCR na syang unang kikilos para sumuporta sa pnp.

Posible aniyang magpatupad ng kaliwat kanang checkpoint sa metro manila sakaling magpatupad ng lockdown para makontrol ang galaw ng mga tao.


Ayon naman kay joint task force ncr spokesperson 1lt arriane bichara na sakaling magpatupad ng lockdwon sa metri manila nakahanda ang kanilang operation command at maging nga reservist units paea umayuda sa pnp sa pagpapatupad ng seguridad.

Hindi naman idinetalye ni bicharra kung gaano karami ang bilang ng mga sundalong nasa operation command ng jtf ncr at maging reservist.

Facebook Comments