Nakahanda ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na humarap sa anumang imbestigasyon na ipapatawag ng Senado.
Ito ay kaugnay sa pinasok na kontrata ng AFP sa DITO Telecommunity Corporation partikular ang pagtatayo ng kanilang pasilidad sa mga Kampo Militar sa bansa.
Ayon kay AFP Spokesman Marine Major Gen. Edgard Arevalo, nirerespeto nila ang oversight functions ng Senado kaya natutuwa silang haharap sa ipatatawag na pagdinig tungkol sa usapin.
Aniya, isang magandang pagkakataon para mailahad ng AFP ang kanilang mga naging batayan at dahilan kung bakit nagdesisyon silang pumasok sa kasunduan sa bisa ng isang Memorandum of Agreement.
Umaasa silang mapapakinggan ng mga mambabatas ang panig ng AFP kaugnay sa usapin para makatulong sa mandato ng mga mambabatas na bumalangkas ng batas para dito.