Pilipinas, pasok sa top 5 highest COVID-19 related deaths sa buong mundo ng Worldometer

402

Pasok ang Pilipinas sa top 5 mula sa 99 na mga bansa sa buong mundo na nakapagtala ng pinakamaraming nasawi sa COVID-19 sa loob lamang ng isang araw ng Worldometer.


Ito ay matapos maitala kahapon ang 259 COVID-19 related death.

Nangunguna ang India na may 1,054, sinundan ng Amerika at Brazil na may 454 death related cases at Argentina na may 315 deaths.

Ayon sa Worldometer, apektado ng COVID-19 pandemic ang 213 bansa at teritoryo sa buong mundo at dalawang international conveyances.

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na lumalabas sa kanilang validation process na ang 253 sa mga bagong nasawi ay una nang nabilang sa mga recoveries pero yumao na pala ang mga ito.

Facebook Comments