AFP, tiniyak na babantayan ang teritoryo ng bansa matapos ang pagkaalarma ng Amerika sa Coast Guard Law sa China

Siniguro ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Major General Edgard Arevalo na ipagpapatuloy nila ang kanilang mandato na patuloy na protektahan ang mga teroritoryo ng bansa kabilang na ang West Philippine Sea (WPS).

Ito ay matapos na magpahayag ng pagkaalarma ang Amerika sa Chinese Coast Guard Law na anila ay mas magkakaroon ng pagkakataon ang China na lumabag sa batas sa pag-angkin sa mga isla sa West Philippine Sea na malinaw rin na pagbalewala sa 2016 Arbitral Tribunal Ruling.

Ayon pa kay Arevalo, ang ginagawang nilang pagprotekta sa teritoryo ng bansa ay para rin sa mga Pilipino na aniya’y kanilang primary interest.


Tiniyak ni Arevalo mananatili ang kanilang pagprotrekta sa maritime domain kahit anong batas pa ang ipasa ng ibang mga bansa.

Facebook Comments