Siniguro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi maaapektuhan ang kanilang mandatong protektahan ang sambayanang Pilipino at idepensa ang mga teritoryo ng bansa.
Ito ay kasunod ng pagpapagana ng Vice Presidential Security and Protection Group (VPSPG) nitong June 24, 2022, kung saan sila ang itinalagang magbigay ng security sa kasalukuyan at mga susunod na vice president ng bansa at kanilang pamilya.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Jorry Baclor, bago pa man pinagana ang VPSPG ay responsable na ang Vice Presidential Security Detail (VPSD) sa pagbibigay ng seguridad sa vice president ng bansa.
Sila ay under ng Special Detail Unit (SDU) ng General Headquarters at Headquarters Service Command (GHQ & HSC) na nakabase sa Camp Aguinaldo.
Ang VPSD ang namamahala sa buong Kampo Aguinaldo partikular ang mga pasilidad, personnel, logistics, at seguridad sa Kampo.
At dahil inaprobahan na ng Department of National Defense (DND) na maging VPSPG ang VPSD, magiging hiwalay na unit na ito ng AFP kung saan mas kakailanganin ang mas maraming tauhan para mas maging epektibo.
Ngunit siniguro ng AFP na hindi ito makakaapekto sa kanilang mga pangunahing misyon.