Habang Taimtim na Nananalangin, Senior Citizen, Ninakawan sa Naga City Cathedral

33
Isang Senior Citizen ang nabiktima ng magnanakaw na nagkunwaring isa rin sa nagsisimba sa Naga City Cathedral.
Naganap ang insidente kamakalawa.
Sa cctv footage, makikitang pasimpleng lumapit ang isang lalaki sa likuran ng biktima habang taimtim itong nananalangin.
Matapos kunin ang bag ng biktima, pasimple rin itong umalis na parang walang nangyari.
Kaugnay nito, ipinaalala ng pulisya sa publiko na ibayuhin ang pag-iingat lalo na kung may mga valuables lalo na kung nasa pampublikong lugar.
[image: 📷] Yrb An Icra | RM Grace Incocentes
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments