AFP, tiniyak na hindi makakagulo ang NPA sa gagawing anti-COVID-19 vaccination

Siniguro ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Lt. General Cirilito Sobejana na mas mahigpit na seguridad ang kanilang ipapatupad kapag isinagawa na ang anti-COVID-19 vaccination sa buong bansa.

Ginawa ni Sobejana ang pagtiyak matapos ang babala kagabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa New People’s Army (AFP) na huwag pakialaman ang pag-deliver ng gobyerno ng mga bakuna.

Ayon kay Sobejana, 75% ng kanilang pwersa ay tiniyak na magiging payapa ang pag-deliver ng mga bakuna.


Giit ng opisyal, gagawin nila ang lahat para lang masiguro ang kapayapaan.

Aniya, mahigpit din silang nakikipag-ugnayan sa Local Government Units (LGUs), provincial government, regional hanggang national level para mas maging maayos ang gagawing vaccination.

Facebook Comments