Gilas Pilipinas, inimbitahang maglaro sa PBA Philippine Cup

42
Courtesy: One Sport

Inimbitahan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang Gilas Pilipinas na maglaro bilang guest team sa 46th season ng Philippine Basketball Association (PBA).

Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, ang Gilas ang magsisilbing ika-13th team para sa season-opening ng Philippine Cup kung hindi ito sasabak sa training camp sa abroad o competition.


Aniya, plano rin ng SBP na magsumite ng minimum na tatlo at maximum na limang pangalan na mapipili sa special draft sa March 14 na maging bahagi ng Gilas Pilipinas pool.

Aniya, ang special draft ay kapareho lang ng regular draft na ibig sabihin ay makukuha pa rin ng Terrafirma ang first pick at susundan ng NorthPort, NLEX at Rain or Shine.

Facebook Comments