AFP, tiwala na marami pang miyembro ng Abu Sayyaf ang susuko

Manila, Philippines – Tiwala ang Armed Forces of the Philippinesna marami pang miyembro ng grupong Abu Sayyaf ang susuko.
  Kasabay ito ng mas pinalakawak at pinaigting na kampanyang pamahalaan laban sa bandidong grupo.
  Ayon kay AFP Spokesman Brigadier General RestitutoPadilla, hindi titigil ang Armed Forces sa kanilang mga operasyon para pulbusinang teroristang grupo.
 
  Kinumpirma din nito ang planong pagsuko ng Abu Sayyaf leaderna si Radullan Sahiron.
  Nabatid na naglaan ang Federal Bureau of Investigation ngAmerika ng isang milyong dolyar para sa ikadarakip ni Sahiron na sangkot sapagdukot sa isang Amerikano sa Sulu noong 1993.
 
 
 

Facebook Comments