Bumisitang turista sa bansa, tumaas ng labing isang porsyento

Manila, Philippines – Tumaas ng labing isang porsyento okatumbas ng 1.21 million ang mga bumisitang turista sa bansa sa unang dalawang buwan ng 2017.
Ayon kay Tourism Assistant Secretary Frederick Alegre,kung magpapatuloy ito maaring maabot ng Pilipinas ang target na walong milyong foreign tourist.
Nangunguna pa rin sa listahan ng mga dayuhang turista sa bansa ang mga taga-South Korea na sinusunduan ng US, Japan at China.

Aminado naman ang kalihim na madami pang kailangang gawin para mapalago ang turismo ng bansa.
Kasabay nito, sinabi ni Alegre na mananatili ang slogan ng DOT na “It’s More Fun in the Philippines” kung saan ile-level up lang nila ito.

Facebook Comments