Afp, Tuloy Ang Operasyon Laban Sa Bandidong Abu Sayyaf

11

SULU – Patuloy ang operasyon ng Armed Forces of the Philippines sa kuta ng Abu Sayyaf sa Sulu.Sa interview ng RMN, sinabi ni Afp Spokesperson Brig/ Gen. Restituto Padilla, na bagamat inako ng grupo ang responsibilidad sa pagpapasabog sa Davao City ay inaalam pa rin nila kung sino ang nasa likod ng pag-atake.Ayon kay Padilla, maraming grupo ang maaring magsagawa ng pagpapasabog kabilang na ang Maute group sa Lanao del Sur, Ansar Al Khilafah Islamia Movement sa Sultan Kudarat at Bangsamoro Islamic Freedom Fighter sa Maguindanao.Bukod sa Sulu, patuloy rin ang pagbabantay ng militar sa iba pang lugar sa Mindanao kabilang na sa Zamboanga, Cotabato, Ozamis, Pagadian, Iligan at Marawi City.

Facebook Comments