Suspek Sa Davao Bombing, May Patong Sa Ulo Na Dalawang Milyong Piso

17

DAVAO CITY – Naglabas ng dalawang milyong pisong reward Si Davao City Mayor Sara Duterte para sa ikareresolba ng naganap na pagpapasabog sa night market sa Davao City.Ayon kay Mayor Sara Duterte, P1 milyon na reward ang ibibigay sa makapagbibigay ng impormasyon sa kinaroroonan ng suspek, habang P1 milyon din ang ibibigay sa makapagtuturn-over ng suspek sa mga otoridad.Kasabay nito, pinasisibak ng alkalde sa pwesto ang mga hepe ng Task Force Davao at Davao City Police dahil sa kawalan ng aksyon sa insidente.Itinanggi din niya ang lumalabas na ulat na posibleng gobyerno ang responsable sa pagpapasabog, para umano makapagdeklara ng Martial Law.Kanina ay binisita ni Mayor Sara ang burol ng nurse na si Kristia Gaile Binson, isa sa mga nasawi sa pambobomba.Ang 27-anyos na biktima ay naging private nurse ni Mayor Sara.Una nang tiniyak ni Mayor Sara na sagot ng city government ng davao ang lahat ng gastusin ng mga biktima sa pagsabog.

Facebook Comments