AFP, tuluyang mapoprotektahan ang bansa sa loob ng tatlong taon ayon kay Philippine Ambassador to US Jose Manuel Romualdez

Kaya nang depensahan ng Armed Forces of the Philippines ang lahat ng teritoryong sakop ng Pilipinas sa susunod na tatlo hanggang limang taon.

Pahayag ito ni Philippine Ambassador to US Jose Manuel Romualdez kasunod ng naging 2+2 Ministerial Dialogue sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.

Ayon kay Romualdez, patuloy kasi ang pag-upgrade ng AFP sa kanilang mga kagamitan alinsunod sa modernization program.


Dagdag pa nito, bibigyan ng Amerika ang Pilipinas na access upang makabili ng kailangang gamit upang mapalakas ang defense capabilities ng bansa.

Kabilang sa mga balak bilhin gobyerno ay mga karagdagang Black Hawk choppers, attack helicopters, heavy lift helicopters, water assets at iba pa.

Facebook Comments