Dalawang pasahero ng MV Lady Mary Joy 3, patuloy pa ring pinaghahanap ayon sa Basilan PDRRMO

Pinaghahanap pa rin ng Basilan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ang dalawa pang pasahero ng MV Lady Mary Joy 3.

Ayon kay Basilan PDRRMO chief Nixon Alonzo, mula ang nawawalang pasahero sa listahang nakuha nila sa Sulu PDRRMO.

Dahil dito, patuloy pa rin ang kanilang search and retrieval operations kahit idineklara na ng Philippine Coast Guard na nahanap na lahat ang nawawalang pasahero ng nasunog na barko.


Magugunitang umakyat sa 33 ang kumpirmadong nasawi matapos marekober ang bangkay ng natitirang nawawalang pasahero sa katubigang sakop ng Mohammad Ajul sa Basilan.

Facebook Comments