AFP, tutulong na rin sa pamimigay ng tulong pinansyal sa mga pamilyang lubhang apektado ng lockdown dahil sa COVID-19

Susunod ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa utos ng Pangulong Rodrigo Duterte na tumulong sa pamamahagi ng cash aid.

Ayon kay AFP Spokesperson Brigadier General Edgard Arevalo, ramdam nila ang kagustuhan ng Pangulo na agad na mapabilis ang pamimigay ng tulong pinansyal sa mga pamilyang lubhang apektado ng lockdown.

Kaya naman hindi aniya sila magdadalawang isip na tumulong na rin sa pamamahagi para maiwasan ang pagkaantala.


Sinabi ni General Arevalo, magsasagawa ng kinakailangang adjustment sa pagde-deploy ng tropa ang AFP para maisagawa ang pagtulong sa pamamahagi ng cash aid.

Sa ngayon abala ang mga sundalo sa pagtulong sa pagbabantay sa mag quarantine control points at pagtututok sa mga operasyon kontra komunistang grupo New Peoples Army (NPA) at iba pang local terrorist group sa bansa.

Facebook Comments