AFP, walang dapat ipaliwanag tungkol sa fuel shipment ng US patungo sa Subic

Walang dapat ipaliwanag ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa paglipat ng fuel ng Estados Unidos mula sa Hawaii patungo ng Subic.

Ito ang inihayag ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Col. Medel Aguilar, matapos humingi ng paliwanag sa Department of National Defense (DND) at AFP si Foreign Relations Committee Chair Sen. Imee Marcos sa napaulat na paglipat ng umano’y 39 milyong galon ng fuel ng U.S. Navy patungo sa Subic.

Nilinaw ni Aguilar na hindi sangkot ang AFP sa prosesong sinunod ng pamahalaan ng Estados Unidos na pawang administratibong gampanin.


Una naring sinabi ni DND na ang naturang fuel shipment na karga ng commercial tanker Yosemite Trader ay bahagi ng regular na commercial transaction sa pagitan ng pamahalaan ng Estados Unidos at mga Pilipinong kompanya.

Facebook Comments