AFP, walang namo-monitor na reinforcement ng Maute Terrorist Group sa Marawi City

Marawi City – Wala pang namo-monitor na gagawing reinforcement ang Maute Terrorist Group sa nagpapatuloy na sagupaan ngayon sa Marawi City.

Ito ang inihayag ni AFP spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla batay na rin sa kanilang intelligence monitoring.

Ayon kay Padilla sa kabila na inaasahan na nila ang pagpapalakas pa ng pwersa ng Maute sa main battle area sa Marawi matapos mamatay kahapon si Cayamora Maute, ang tatay ng Maute brothers, ay malabo aniyang makapag-reinforce ang local terrorist group na Maute.


Ito ay dahil sa hindi naman daw madali magsagawa ng reinforcement.

Kaugnay nito sinabi pa ni Padilla na walang kinalaman sa pagkamatay ng ama ng notoryus Maute brothers na si Cayamora Maute ang nangyaring tangkang pagpasok ng mga member ng Daesh inspired Maute Terrorist Group sa main battle area sa Marawi City na nagresulta sa pagkasawi ng 10 miyembro nito.

Ayon kay AFP spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla, masyado maikli ang panahon para ikonek ito sa pagkamatay ni Cayamora.

Matatandang pasado alas tres ng hapon kahapon ng masawi si Cayamora Maute sa Taguig Pateros General Hospital matapos makaranas ng paninikip ng dibidb habang kaninang pasado alas dos ng madaling araw ng magtangkang pumasok ang mga member ng Daesh inspired Maute Group main battle area.

Facebook Comments