Walang natatangap na reklamo o report ang Armed Forces of the Philippines Western Command o AFP WESCOM na may panibagong pangha-harass sa mga mangingisdang Pinoy sa Pag-asa Island na sakop ng West Philippine Sea (WPS).
Ayon kay AFP WESCOM Spokesperson Captain Cherryl Tindog, simula January 1, 2018 hanggang March 5, 2019 labing limang Filipino fishing vessels lang ang kanilang na-monitor na nagsagawa ng pangingisda sa karagatag sakop ng Pag-asa Island.
At hanggang sa ngayon ay wala silang natatangap na reklamo o report na may pangha-harass na ginawa ang mga sakay ng Chinese vessels sa mga mangingisdang Pinoy.
Taliwas ito sa pahayag ni Mayor Roberto Del Mundo na muli na namang tinataboy ng mga Chinese vessels ang mga mangingisdang Pinoy sa karagatan ng Pag-asa Island.
Sinabi ni Tindog na patuloy ang kanilang paghikayat sa mga mangingisdang Pilipino na ipagpatuloy ang pangingisda sa lugar dahil suportado aniya nila ang mga ito.