Panawagan muli sa publiko ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Mindanao Command na huwag i-sensationalize ang Jolo shooting incident kung saan napatay ng siyam na pulis ang apat na sundalo noong Hunyo 29, 2020.
Ito ay matapos ang desisyon ng National Bureau of Investigation (NBI) na sampahan ng kasong murder at planting of evidence sa Department of Justice (DOJ) ang siyam na pulis na sangkot sa insidente.
Sinabi WesMinCom Spokesperson Major Arvin Encinas, natutuwa sila sa resulta ng impartial investigation ng NBI, na unang hakbang para mapanagot ang dapat managot.
Nagpasalamat din ang opisyal sa lahat ng nakiisa sa AFP sa pagkamit ng hustisya para sa mga nasawing sundalo.
Sinabi ni Encinas na mahaba pa ang daang tatahakin para sa masentensyahan ang mga akusado, pero tutukan aniya ng AFP ang kaso hanggang sa matapos ito.