AFP-WesMinCom, pabor na ‘wag nang palawigin ang martial law sa rehiyon

Pabor ang AFP Western Mindanao Command na huwag nang palawigin ang martial law sa Mindanao.

Ayon kay AFP Western Mindanao Command Chief Lt/Gen. Cirilito Sobejana – kontrolado na ang sitwasyon sa Western Mindanao dahil sa naging suporta ng mga Local Government Units (LGUs).

Nakatulong din aniya ang mahigpit na checkpoints at curfew sa rehiyon.


Kaugnay nito, magsusumite ang AFP-WesMinCom ng honest to goodness na assessment mula sa ground at bahala na aniya ang national leadership na magdesisyon ukol dito.

Una nang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na hindi na niya irerekomendang palawigin ang martial law sa Mindanao bagay na pinauburan din ng PNP.

Ang ikatlong martial law extension sa Mindanao ay matatapos sa December 2019.

Facebook Comments