African-American na namatay sa kamay ng mga pulis sa U.S., nagpositibo sa COVID-19

Nagpositibo sa COVID-19 ang African-American na si George Floyd na namatay sa kamay ng mga pulis at nagdulot ng malawakang protesta sa mga estado ng America.

Pero sa inilabas na ulat ng chief medical examiner nito, walang kinalaman ang COVID-19 sa pagkamatay nito.

Matatandaang nag-viral ang video ng pagkamatay ni Floyd nang daganan ng tuhod ng isang pulis sa leeg ng biktima na naging rason ng agarang pagkamatay nito.


Sa ngayon ay kinasuhan na ng second-degree murder ang pulis na sangkot sa pagkamatay nito habang aiding and abetting, second degree murder at abetting second-degree manslaugther naman ang isinampa sa tatlo pang iba.

Facebook Comments