African Swine Fever, hindi pa nakakapasok sa Pilipinas

Wala pang naitatalang kaso sa Pilipinas ng African Swine Fever na isang uri ng virus na 100-porsyentong nagdudulot ng pagkamatay ng baboy.

 

Ito ang lumabas sa pagdinig ng Senate Committee on Agriculture and Food na pinamunuan ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri.

 

Sa pagding ng senado ay ipinaliwanag ni Director Ronnie Domingo ng Bureau of Animal Industry na walang gamot sa African Swine Fever kaya tiyak na mamamatay ang baboy na kakapitan nito.


 

Ayon kay domingo, 1,000 araw o higit sa tatlong taon na kumakapit ang nabanggit virus na maaring taglay ng buhay na baboy, frozen o processed na karne ng baboy at sa sapatos na itinapak sa mga lugar na apektado ng virus tulad ng babuyan at palengke.

 

Bunsod nito ay inirekomenda naman ng komite na pag-ibayuhin ang pagpapakalat ng impormasyon kaugnay sa african swine fever sa pamamagitan ng paglalagay ng mga signage, at pamamahagi ng mga flyers sa mga airports at seaports.

Facebook Comments