AFTERMATH | Gas leak, pinangangambahan sa Alaska

Nangangamba ngayon ang mga residente sa Alaska dahil sa epekto ng gas leak makaraang tumama ang 7.0 magnitude na lindol sa Anchorage City.

Nabatid na malaki ang pinsalang iniwan ng lindol sa mga istruktura sa state capital kung saan nadamay ang mga istasyon ng langis.

Pangamba ng mga residente, kung hindi maaaksyunan agad ang gas leak, posibleng nagdulot ito ng epekto sa kalusugan ng mga residente.


Sa ngayon patuloy ang mga nararanasang aftershocks sa lungsod.

Base sa datos ng US Geological survey, umabot na sa 200 ang aftershocks na naitala mula ng tumama ang lindol noong nakaraang linggo.

Facebook Comments