NILINAW | Jodi Sta. Maria at Jolo Revilla, nagkabalikan nga ba???

322

Manila, Philippines – Nilinaw ngayon nina Jodi Sta. Maria at Cavite Vice Governor Jolo Revilla na hindi sila nagkabalikan matapos ang kanilang break-up, ilan buwan na ang nakararaan.

Ang paglilinaw ng dalawa ay kasunod ng tsismis matapos silang makita ng mga fans na magkasama uli.

Nitong nakaraang linggo lang kasi ay nagkita ang dalawa nang magkasabay sa Guam para samahan ang kanilang mga anak na naglaro roon ng basketball.

Sa IG live ni Jolo, makikitang magkatabi sila ni Jodi.

Pero say ng dalawa, friends lang daw sila at wala nang iba pa!

Facebook Comments