AFTERMATH | Pinsalang iniwan ni Rosita umabot na sa mahigit P130-M

Sumampa sa halagang mahigit isang daan at tatlumpung milyong piso ang nasira sa sektor ng agrikultura at imprastraktura matapos na manalasa ang bagyong Rosita sa ilang rehiyon sa bansa.

Ito ay batay sa pinahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.

Sa kanilang datos, umabot sa mahigit pitongput dalawang milyong piso ang nasirang mga irigasyon habang mahigit labing dalawang milyong piso rin ang nasirang mga fisheries facilities at infrastructure.


Ang mga pinsalang ito ay lubhang naitala sa Region 2 at Cordillera Administrative Region.

Pinakamalaking pinsala ay naitala sa Region 2 na umabot sa walongput apat na milyong piso.

Samantala umabot naman sa mahigit labing walong milyong piso ang naibigay na tulong ng gobyerno sa mga pamilyang naapektuhan ng Rosita sa Region 1, 2, 3 MIMAROPA, 8 at CAR.

Facebook Comments