Sunday, January 17, 2021

Aga Muhlach at Nadine Lustre gaganap sa Pinoy remake ng “Miracle in Cell No.7”

347
Images via Viva Artists Agency/Miracle in Cell No.7 FB Page

Bibida sina Aga Muhlach at Nadine Lustre sa Pinoy adaptation ng South Korean hit film na “Miracle in Cell No.7”.
Taong 2013 nung unang ipalabas sa South Korea ang pelikula na ginampanan nina Park Shin Hye, Ryu Seung Rol, at Kal So Won. Pasok rin ito sa sa top-grossing films of all time ng bansang binanggit.
Ang storya ay tungkol sa isang amang may kapansanan sa pag-iisip at nakulong dahil sa maling bintang. Bago pa mapatunayang walang kasalanan ang lalaki, binitay na ito.
Naging patok din sa Pilipinas ang “Miracle in Cell No.7” matapos ipalabas ng GMA 7 noong Setyembre 2014.

Nitong Martes, inilahad ng Viva Artists Agency na magsasama ang dalawang artista sa isang proyekto.
Sa ngayon, wala pang ibang nilalabas na detalye ang production team sa shooting at release date ng pelikula.
Facebook Comments