GINAWANG POON? Fan, nag-‘sign of the cross’ sa picture ni Maine Mendoza

207

Napadasal na lang yata ang isang fan nang makita ang picture ng kanyang iniidolo na si Maine Mendoza.

Nag-viral sa Twitter si Jericho Garcia, isang tagahanga ng ‘Phenomal Star’, kung saan makikitang huminto siya sa paglalakad nang madaanan ang picture ni Maine na naka-display sa ini-endorso ng aktres na cosmetic brand.


Pag tigil, hinimas ng fan ang malaking picture at saka nag-“sign of the cross.”

Tila sulit naman dahil nakarating ito kay Maine na ni-retweet pa ang video, na nilagyan niya ng caption na “Poon?!”

Tawang-tawa din ang karamihan ng netizens na nagkomento sa video na umabot na sa higit 2.6 K likes at higit 700 retweets.

Facebook Comments