Pinasisibak agad sa serbisyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pulis na sangkot sa graft at corruption.
Sa kanyang Talk to the Nation Address, galit na sinabi ng Pangulo na dapat deretso dismissal na ang ipataw sa mga pulis na masasangkot sa katiwalian.
Aniya, hindi siya sang-ayon na suspendihin lang ang mga ito lalo na at isang serious offense ang korapsyon.
Dagdag pa ng Pangulo, paulit-ulit lamang nilang gagawin ang kanilang ilegal na aktibidad.
Giit pa ni Pangulong Duterte, mayroong mga applicants na mas nararapat na tanggapin sa police organization na gustong magsilbi at protektahan ang mga Pilipino.
Facebook Comments