Pinamamadali ni Senator Win Gatchalian sa pamahalaan ang implementasyon ng national ID system para sa mas mabilis at epektibong tugon sakaling may mangyari uli sa hinaharap na krisis o pandemic katulad ng COVID-19.
Ang nabanggit na batas ay naipasa at pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noon pang August 2018 at may layuning mapabilis ang pagbibigay ng serbisyo ng gobyerno sa publiko.
Paliwanag ni gatchalian kung naipatupad na sana ang national ID system ay mas napadali sana ang contact tracing o pagtukoy sa nakahalubilo ng mga positibo sa COVID-19.
Inihalimbawa ni Gatchalian ang ibang bansa, tulad ng taiwan at singapore, kung saan madaling nati-trace ang travel history ng mamamayan dahil sa pagkakaroon nila ng national ID system.
Diin naman ni Senator Panfilo Ping Lacson, kung may national ID system ay mas napapabilis sana ang pamamahagi ng tulong ng pamahalaan sa mga mahihirap at higit na apektado ng sitwasyon ngayon dulot ng COVID-19.