
Nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pamilya ng Pilipinang nasawi sa missile attack sa Haifa, Israel.
Ayon sa pangulo, inatasan na niya ang mga kaukulang ahensya na tiyaking maibibigay ang buong tulong sa pamilya, kabilang ang agarang pagpapauwi sa labi ng biktima, habang nakaantabay ang Embahada para sa lahat ng kinakailangang assistance.
Tiniyak din ng pangulo na patuloy na mino-monitor ng pamahalaan ang sitwasyon sa rehiyon, kasabay ng pagbibigay-diin na nananatiling pangunahing prayoridad ang kaligtasan ng bawat Pilipino sa abroad.
Dagdag pa ng pangulo, nakikiisa ang buong sambayanan sa pagdadalamhati ng pamilya at umaasa ang pamahalaan na makatagpo sila ng lakas at kapanatagan sa gitna ng sinapit na trahedya.
Facebook Comments










