MANILA – Ire-rekomenda na ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre kay Pangulong Rodrigo Duterte ang agarang pagsibak sa pwesto sa dalawang Deputy Commissioner ng Bureau of Immigration na sinasabing tumanggap ng 50 milyong piso na suhol mula sa casino owner na si Jack Lam.Ayon kay Aguirre – ngayong araw ay nakatakda siyang makipag-usap kay Pangulong Duterte upang hilingin na i-relieve sa pwesto sina Al Argosino at Michael Robles dahil siya ang nag-appoint sa dalawang opisyal ng BI.Kahapon ay kusang-loob na nagfile ng 30-day leave of absence effective sina Argosino at Robles sa tanggapan ni Aguirre kasunod ng isinasagawang imbestigasyon.Sina Argosino at Robles ang sinasabing humingi ng dagdag na 100 milyong piso sa 50 milyon na nauna nang nakuha ng mga ito mula kay lam kapalit ng pagpapalaya sa mga empleyado nito sa fontana leisure park na inaresto ng BI dahil pawang walang mga employment visa.
Agarang Pagsibak Sa Pwesto Sa Dalawang Opisyal Ng Bureau Of Immigration Na Tumanggap Ng Suhol Kay Jack Lam – Irerekomend
Facebook Comments