Agarang pagtugon ng mga ahensya ng gobyerno kasunod ng lindol, pinuri ni PRRD

Pinuri ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga ahensya ng gobyerno at mga lokal na pamahalaan sa kanilang aksyon matapos ang magnitude 6.1 na lindol sa Luzon.

Sa briefing sa Pangulo sa Provincial Capitol sa San Fernando, Pampanga, pinasalamatan at pinuri ni Duterte ang iba’t ibang ahensiyang tumulong at agad na umalalay sa mga naapektuhan ng lindol.

Aniya, hindi masyadong matindi ang idinulot na pinsala ng lindol pero problema pa rin ito ng gobyerno at kailangan ang pera.


Giit ng Pangulo, makakaasa ang mga biktima ng lindol na tutulong ang gobyerno para makabangon at makabalik sa normal na pamumuhay ang mga taga-Pampanga.

Facebook Comments