Agarang repair, iniutos ni Mayor Ronnel Rivera sa nasirang bakod ni General Santos!

189

General Santos City— Iniutos na ni GenSan City Mayor Ronnel Rivera ang agarang pagpapa-repair sa bakod ng monument ni General Paulno Santos na naunang sinira ng hinihinalaang mga miyembro ng mga batang sukarap mga Children in Conflict with Law.

Ayon sa mayor, nakarating na sa kanya ang nasabing insidente at kanya ng inutusan ang mga personahe ng Civil Security Unit (CSU) na imbestigahan ang pangyayari.


Ikinadismaya rin ni Mayor Rivera ang pagsira sa nasabing bakod dahil isang mahalang landmark para sa lungsod ang monumento ni General Santos.

Iniutos na rin ng mayor ang pagsasagawa ng inisyal na imbestigasyon sa nangyari at mapanagot ang mga responsable.
Siniguro naman ni mayor Rivera nga kanilang daragdagan ang bilang ng mga magbabantay sa Plaza Heneral Santos upang hindi na maulit ang ganoong pangyayari.

Facebook Comments