MANILA – Iginiit ni Senator Grace Poe sa pamahalaan na agad ipagkaloob ang tulong na kakailanganin ng mga kaanak ng mga sundalong nasawi at nasugatan sa pakikipagsagupa sa abu sayyaf.Ang pahayag ay ginawa ng senadora makaraang brutal na paslangin ng bandidong abu sayyaf sa basilan ang 18 sundalo nitong sabado kung saan marami din ang nasugatan.Giit ng senadora, hindi na dapat hintayin pang magmakaawa ng tulong ang mga pamilya ng mga sundalong nabiktima sa naturang bakbakan.Kasabay nito ay binigyang diin din ni Poe na ang nabanggit na insidente ay patunay ng kahalagahan ng pagbibigay importansya na maipagkaloob sa ating mga sundalo at pulis ang kanilang mga pangangailangan para higit silang maging lamang sa mga kalaban o masasamang elemento.Maliban dito, iginiit din ng Senadora na dapat lamang mapulbos ang buong pwersa ng nabanggit na teroristang grupo pero dapat aniya ay matiyak na walang inosenteng sibilyang madadmay sa pagtugis sa kanila.Kaugnay nito ay nanawagan si Poe sa mamamayan na maging vigilante sa agad na pagpaparating sa mga otoridad ng anumang aktibidad o hakbang ng abu sayyaf at iba pang armadong grupo na sumisira sa katahimikan at seguridad ng bansa.
Agarang Tulong Sa Mga Mga Naulila Ng Mga Sundalong Nasawi Sa Basilan, Dapat Ibigay Agad Ng Gobyerno
Facebook Comments