Georgia – Agaw-atensyon sa prom party ang isang aspiring funeral director sa Georgia.
Dumating kasi siya sa party sa Americus Sumter High School sakay ng kabaong.
Kwento ni Alexandra Clark – layon niya sa naturang stunt na manggulat at kasabay nito ay magbigay ng seryosong mensahe sa kanyang mga kaklase.
Gusto raw niyang paalalahanan ang kanyang mga kaklase tungkol sa panganib ng pag-inom at pagda-drive ng lasing pagkatapos ng prom.
Pero bukod dito, ang kakaibang prom arrival niya ay pagpapakita na rin aniya ng pangarap niyang maging funeral director.
Facebook Comments