NAMAALAM NA | Mini-me actor Verne Troyer, pumanaw na

Amerika – Pumanaw na sa edad na 49 ang mini-me actor sa Austin Powers comedy film na si Verne Troyer.

Wala pa namang ibinibigay na detalye tungkol sa sanhi ng pagkamatay ng aktor pero nabanggit sa social media post ang tungkol sa pinagdaanan niyang depresyon.

Nito lang buwan nang ma-ospital si Troyer pero hindi rin nabanggit kung anong sakit nito.


Si Troyer ay unang lumabas sa pelikulang “Baby’s Day Out” noong 1994 at nakilala rin sa pagganap bilang si Griphook sa “Harry Potter and the Sorcerer’s Stone”.

Facebook Comments