AGAW-EKSENA | Bridesmaid, hinimatay sa gitna ng wedding kiss ng newlywed couple sa Chicago

Chicago – Viral ngayon sa social media ang larawang kuha mula sa isang kasalan sa Chicago.

Agaw-eksena kasi ang isang bridesmaid na hinimatay sa bahagi ng seremonya kung saan magki-kiss na sana ang newlywed couple!

Nakuhanan ng wedding photographer na si Sean Cook ang pagtumba ng abay na sumubsob pa ang mukha sa sahig.


Kwento ng groom na si Kevin, abala kasi ang lahat noong araw ng kanilang kasal kaya hindi na sila masyadong nakakain at nakainom ng tubig na posibleng dahilan kaya hinimatay ang kanyang kapatid na si Grace.

Agad din namang nagising si Grace at nag-sorry sa nangyari pero nagtawanan na lang ang mga guest.

Pagkatapos ng unexpected scene, naituloy din naman daw nina Kevin at ng bride na si Jessica ang kanilang wedding kiss.

Facebook Comments