AGAWAN SA PONDO | Mga kaalyado ni PRRD, tinuligsa ng mga guro

Manila, Philippines – Tinuligsa ng mga miyembro ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang mga kaalayado ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pag-aagawan sa 2019 budget.

Ang pahayag ni ACT National Chairperson Joselyn Martinez ay dahil sa pinal na deliberasyon ng 2019 budget sa Kongreso.

Tinukoy ni Martinez ang iringan sa pagitan nina Budget Secretary Benjamin Diokno at mga mambabatas hinggil sa karagdagang P75-B sa pondo nt Department of Public Works and Highways (DPWH) at ang realignment ng P51-B na karagdagang pondo para sa ‘Pet Projects’ ng sinasabing mga pinapaburang kasapi ng Kongreso.


Binanggit din ni Martinez ang mga anomalya sa paglalaan ng nakalululang pondo para sa pork barrel ni Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.

Maliwanag aniyang nananaig pa rin ang kultura ng korapsiyon sa hanay ng mga opisyal ni Pangulong Duterte na isang napakalaking kahihiyan.

Facebook Comments