LIGTAS | Mga Pinoy sa France, Brazil ligtas sa pinakabagong terror attack

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Pinoy casualties sa nangyaring magkasunod na shooting incident sa Brazil at France.

Matatandaang 4 ang nasawi matapos walang habas na namaril ang suspek sa Metropolitan Cathedral sa Sao Paolo, Brazil at kalaunay nagbaril din sa sarili.

Habang sa Strasbourg, France naman 3 ang nasawi at 12 ang sugatan nang mamaril ang gunman sa isang popular Christmas market.


Ayon sa DFA maswerteng walang nadamay na kababayan natin sa naturang insidente.

Kasunod nito nagpaabot na ng pakikiramay at simpatya ang ahensya sa mga naulilang pamilya ng trahedya.

Kinukunsidera ito ng French government bilang terror attack kung kaya at itinaas na sa pinakamataas na antas ang kanilang alerto.

Facebook Comments