“Wala namang imposible.”
Ito ang say ng aktres na si Sunshine Cruz nang matanong siya kung posibleng ma-inlove siya sa mas bata sa kanya.
Aniya, okey lang na ma-inlove sa mas bata basta ay magkasundo ng ugali, may respeto at tanggap ang past ng isa’t isa.
Inihalimbawa pa niya ang 13-years age gap relationship nina Ruffa Gutierrez at boyfriend na si Jordan Mouyal.
Naniniwala rin daw kasi ang aktres sa kasabihang, “Age is just a number.”
Nabatid na dalawang taong mas bata kay Sunshine ang boyfriend nitong businessman na si Ismael ‘macky’ Mathay, ang half-brother ni Ara Mina.
Facebook Comments