Age restriction ng mga taong maaaring lumabas sa kanilang bahay, pinaluluwagan ng MMC

Nakatakdang irekomenda ng Metro Manila Council (MMC) sa Inter-Agency Task Force na i-adjust ang age restriction ng mga taong pwedeng lumabas ng bahay sa gitna ng General Community Quarantine sa National Capital Region.

Sinabi ni MMC Chairman Edwin Olivarez, nais ng mga alkalde sa Metro Manila na ipanatili ang curfew hours mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga.

Pero irerekumenda aniya nila ang adjustment sa age restrictions ng mga papayagang lumabas ng bahay mula sa kasalukuyang 21 hanggang 60 years old ay gawin 18 hanggang 65 years old.


Sa ngayon ay mayroon nang 339,341 Coronavirus cases sa Pilipinas as of October 11, 2020.

Facebook Comments