Agham Road at BIR Road, papalitan na ang pangalan bilang Senador Miriam P. Defensor Santiago Avenue; portion ng BIR Road at East Avenue pansamantalang isasara

Inanunsyo ngayon ng Quezon City Local Government Unit na simula alas-9:00 mamayang gabi hanggang alas-8:00 ng gabi sa araw ng Sabado ay isasara muna ang bahagi ng BIR Road at East Avenue sa QC.

Ito ay dahil sa isasagawang seremonya sa pormal na pagpapalit ng pangalan ng Agham Road at BIR Road sa QC at tatawagin nang Senator Miriam P. Defensor-Santiago Avenue.

Base sa abisong inilabas ng QC LGU, apektado ng road closure ang bahagi ng BIR Road papuntang Quezon Avenue mula sa bahagi ng Bangko Sentral ng Pilioinas hanggang PAGASA Science Garden.


Isasara rin ang bahagi ng bike lane sa East Avenue malapit sa pasukan ng BIR Road.

Mananatili namang bukas sa trapiko ang kabilang bahagi ng BIR Road papuntang East Avenue.

Ang inaprubahang batas na palitan ang Agham at BIR Road ay bilang pagbibigay pagkilala may dating Senator Santiago dahil sa kanyang maigting na adbokasiya laban sa korapsyon.

Sa ilalim ng Republic Act 11963 papalitan ang Agham Road at BIR Road sa QC at tatawagin nang Senator Miriam P. Defensor-Santiago Avenue.

Nasa Agham Road ang Office of the Ombudsman na isang Anti-Corruption Agency ng pamahalaan.

Facebook Comments