OFW at Family Summit 2023 ng Villar Foundation, sinimulan na ngayong araw

Sinimulan na ang ika-labindalawang Overseas Filipino Worker (OFW) at Family Summit 2023 ng Villar Foundation sa Las PiƱas City ngayong umaga.

Ang naturang programa ay tulong para sa mga OFW natin na gusto ng manatili sa Pilipinas at gustong magkaroon ng hanapbuhay.

Nag-aalok din ng mga negosyo o pangkabuhayan ang Villar Foundation sa ating mga tinuturing na bayani.


Samantala, magkakaroon din ng raffle ang mga OFW na naka-register at maaari silang makatanggap ng mga groceries, appliances, motor at house and lot.

Facebook Comments